Wednesday, November 23, 2005

poot

mabuhay kayong lahat mga kabataang makabayaan na siyang tunay na pag-asa ng ating nalulugmok nang bansa.

Hanggat patuloy na nakaupo sa kanyang trono ang pekeng pangulong si Arroyo ay walang patutunguhan ang ating bayan kundi bilang isang pinakahamak na lipunan sa ibabaw ng mapag-api at mapang-busabos na daigdig na ito.

Sapagkat si arroyo ay wala nang ginawa kundi magpayaman ng magpayaman at busugin ang kanyang mga alipores at ihandog ang yaman ng Pilipinas sa mga ganid na dayuhang mangangalakal.

Tingnan nyo na lamang ang kanyang kalokohan, bago pa lamam ginahasa ang isang dalagan pilipina ng mga amerikanong marino ay nakipagkasundo na naman siyang ipahintulot na makapasok ang mga sundalong ng ilang asyanong bansa sa ating kalupaan. Para ano, para ipagahasa na naman ang iba pa nating kababaihan.

Wala ring naitulong ang vfa na iyan sa ating bayan, gumagastos ng milyon-milyong salapi ang ating pamahalan mula sa kaban ng taong Bayan upang bigyan ng daan ang pangbubusabos ng ating lipunan ng mga dambuhalang sundalong dayuhan na walang ring maitutulong sa pagtatanggol ng mahal nating Pilipinas.

Tandaan, walang tutulong sa Pilipino kundi tayong mga anak ng Inang - Bayang Pilipinas

Alex Argote
alipingbayan.blogspot.com

2 comments:

mattclinton9908 said...

I read over your blog, and i found it inquisitive, you may find My Blog interesting. My blog is just about my day to day life, as a park ranger. So please Click Here To Read My Blog

haroldtheobold00939521 said...

I read over your blog, and i found it inquisitive, you may find My Blog interesting. So please Click Here To Read My Blog

http://pennystockinvestment.blogspot.com